Marami ang nagtatanong sa akin kung paano at bakit ako napaka forgiving kay Chito noong mga panahong nasasaktan niya pa ako emotionally. Kase mahal ko siya. Mahal na mahal.

Pero recently may nakasakit sa akin. Yes, ikaw yun, kayo yun. Hindi ko alam kung na-guilty man lang kayo sa ginawa nyo sa akin. O talagang heartless kayo, yung basta may maisulat lang. Twice na kase di ba?

Ngayon siguro tatanungin ako ng iba, kapag ba ibang tao ang may gumawa ng mali sa’yo at nasaktan ka, ganun mo ba din kadaling patawarin.

I will tell you a story.

May kaibigan ako na very close talaga sa akin pero ngayon hindi ko na kinakausap. Bakit? May ginawa siyang mali sa akin. Alam ng lahat ng taong nakapaligid sa akin na ayaw ko ng drugs. Yun nga ang rason kung bakit di kami naging maayos ng tatay ko dahil sa droga. Ayaw na ayaw ko talaga. One time narinig kong napag usapan ng grupo na yun ang drugs. Lilinawin ko lang po, hindi sila adik. Napag usapan lang po. Never pa sila nakakapagtry ng any drugs. Kaya nacurious lang po at yun ang napag usapan. Sinabi ko na wag na wag nyong gagawin yun. Masama ang drugs. At lalong lalo na wag nyong gagawin yun sa bahay ko. Ilang beses ko yun inulit ulit na ayaw ko ng drugs at lalo na sa bahay ko.

To cut a long story short, nalaman ko na nagcocaine siya sa bahay.

Hindi ako makapaniwala. Disrespectful yun kase sa bahay ko at sa akin mismo. Yes, strict ako sa mga rules sa bahay pero siguro naman di naman pagiging strikto ang pag gamit ng cocaine sa bahay ko. Mali yun. Hindi ko na lang siya kinausap. Alam niya yung rason kung bakit pero ang message niya lang sa akin, “Uy, bati na tayo!”

Walang sinseridad. Ganun ganun lang yun? Naghintay ako ng matagal para aminin niya at para magsorry siya. Pero hanggang ngayon wala pa. Nawala na rin ang galit ko. Ok naman ako. Nakapag move on naman ako sa buhay ko kahit wala siya sa buhay ko. Alam ko marami rin kaming napagsamahan pero nag-cross naman siya ng line. Biggest NO-NO ko talaga yun. At isang explanation at sincere sorry, wala akong narinig.

Kung tatanungin mo ako, bakit papatawarin mo ba? Sagot ko, oo! At least inamin niya yung mali niya at nagsorry siya ng taos puso. Pero hindi ibig sabihin ay ok lang sa akin ang pag gamit ng drugs, at dapat one time lang yun o hindi na dapat naulit. Pero mga taon na ang lumipas, patay malisya pa rin siya. Ok lang. Baka mababasa niya eto, napatawad na kita, noon pa at sana masaya ka sa buhay mo ngayon at lagi mo sanang tatandaan na alagaan mo ang sarili mo. We are ok.

Alam mo nung nasabi ko noon na ok na ako at napatawad ko na siya, mas naging positibo pa ako sa buhay. Mas naging masaya ang life. Kase kung dun lang ako magpo-focus sa ginawa niyang mali, baka maghold grudges pa ako, madedepress pa ako, baka magcreate pa ako ng negative thoughts at kawawa ang mga taong nasa paligid ko. Siguro yung ibang makakabasa nito, ano ba yan, nagcocaine lang ng isang beses sa bahay, OA naman na ang reaction! Yes, OA talaga reaction ko pagdating sa drugs dahil sa droga nasira ang buhay ng tatay ko, dahil sa droga hindi niya nakita at nayakap man lang ang anak ko, dahil sa droga nawalan ako ng isang ama. Makakagets lang siguro kung saan ako nanggagaling ay yung mga anak na longing sa isang ama pero wala kase lulong sa droga. Because when you forgive someone, you set yourself free.

Eh sa ginawa ng isang online magazine? Mapapatawad mo ba sila? Madaling sabihin, mahirap gawin. Nasaktan ako ng lubusan. Hinayaan nila akong husgahan ng mga tao at hindi pa sincere ang pagsorry, text lang? They didn’t do anything to defend me from the people na nagalit sa akin dahil sa kagagawan nila.

Di mo naman sinagot yung tanong, mapapatawad mo ba sila? YES.

Why?

Kase wala namang maganda maidudulot sa akin kung magagalit pa ako sa kanila. Pero hindi ibig sabihin nun ay makakalimutan ko na ang mga nagawa nila sa akin. Konsensya na nila yun kung ganun talaga silang tao. Sana hindi. Gusto ko pa rin maniwala na marami pa ring mababait na tao. Magiging masaya ang mundo kung iisipin natin na marami pa ring mababait sa mundo at kung titingnan natin ay yung kagandahan ng isang tao o bagay o marunong tayong mag-appreciate. Gusto ko pa ring maging positibo sa pangyayare.

Idedemanda ko pa ba sila? Irerequest ko ba na alisin sila sa company nila, yung mga irresponsible writers nila? Pag nagawa ko ba yun, masaya na ba ako? Nakaganti na ba ako? Magiging ok na ba ako? Oo the damage has been done pero gusto ko rin ba na masira kung ano ang meron sila, ang magkaroon ng mga trabaho? Paano na lang mga taong umaasa sa kanila? Paano kapag nawalan sila ng trabaho, madali ba silang makakahanap ng trabaho agad at may pambayad ba sila ng bills o may makakakain ba ang mga taong sinusuportahan nila? That is not me. Pero pumasok rin sa isip ko na pwede ko silang idemanda sa pinag gagawa nila.

Nasaktan nila ako, binigyan ko ang sarili ko na maging ok, then move on.

Kahit sabihin ko sa kanila na wag na sana nila gagawin yun, hindi ko naman mako-control ang desisyon nila eh. Ang kaya kong kontrolin ay ang buhay ko, desisyon ko, at ang reaction ko sa mga pangyayare. Naging totoo ako sa sarili ko na nasaktan nila ako kase ako nga mismo yung nahirapan eh sa pagproduce ng milk kaya sa talk ko sa Hakab Tagaytay na nakasulat sa blog ko rin, I encourage everyone to be more compassionate sa isa’t isa. Hindi natin alam ang mga pinagdaanan ng mga nanay. Nasaktan ako kase misleading pangtawag pansin sa followers nila.

Hindi ako nasasaktan sa mga taong makikitid ang utak kase hindi nagbabasa at hinuhusgahan nila ako based sa nabasa nilang misleading headline. It says a lot about themselves. Sus! Ano pa ba ang pwede nilang itawag sa akin? Pornstar? Laos na aktress? Pangit?

Tapos?

Nadepress ba ako sa mga tinatawag nila sa akin? In my own little way, naging successful ako. Fighter ako, uy! Haha!

Sa lahat ng nagmemessage sa akin at nagtatanong kung paano ko daw nagagawa na maging forgiving?

Una, syempre kung nasaktan ka, i-acknowledge mo na nasaktan ka. Hindi mo pwedeng sabihin sa sarili mo na, ok na ako kung hindi naman kase bigla ka na lang sasabog kapag hindi mo inamin sa sarili mo yung tunay mong nararamdaman.

Hayaan mo lang ang sarili mo na ma-feel yung pain, anger, o kung ano man ang nararamdaman mo. Take your time and let it heal on its own. Pwede mong isulat sa journal mo o kung may blog ka, di ba? Para lang marelease mo kahit papaano. Ok lang na mafeel mo yun, tao tayo at normal na nasasaktan. Pero syempre wag naman yung mumurahin mo yung tao sa Facebook account mo, hindi tama yun. Matalino ka, ipakita mo.

Kapag ok ka na at nahimasmasan na, intentionally man o hindi, hindi na mababago yung nagawang kasalanan ng tao sa’yo. You need to know that.

Kaya mo na bang magpatawad? Kung ang sagot ay hindi pa, back to number one ka ulit.

At kung kaya mo ng magpatawad, good! You will feel good about yourself. Why? Nahandle mo ng mabuti ang sitwasyon. Mas magiging positibo ka pa sa buhay. Mas masaya ang mundo mo kase marunong kang mag-acknowledge na nasaktan ka pero marunong kang magpatawad. Nasa tao na rin kung kaya nya pang mabalik yung 100% trust niya sa taong nakasakit sa kanya. Kanya kanyang desisyon po yan.

Kung magtataka kayo, bakit ang dali mong gawin yan, Neri? Hindi rin. Hindi lang ako nagpapakita masyado na nagagalilt ako o nasasaktan. Binibigyan ko ng time ang sarili ko para mafeel ko lahat ng emosyon na dapat ko maramdaman. Kaya nyo yan, napag-aaralan ang pagtitimpi, hehe! Lalo na siguro kapag sanay na kayong nasasaktan, hehe!

Pero ang lagi kong natututunan ay life is too short para magfocus ako sa negativity na dulot ng ibang tao. Gusto ko lagi na masaya ang mundo ko. Happy happy lang talaga palagi. Spread positivity at good vibes lang talaga ako. Naniniwala pa rin ako sa mga fairy tales at fairies! Hibang man ako sa pananaw ng ibang tao pero isa yun sa nagpapasaya sa akin.

Hindi rin naman masamang maniwala na maganda, masaya, at marami pa ring mababait sa mundo, di ba? Hindi naman ako hibang dun. Masaya ako kapag yun ang nasa isipan ko palagi. Kahit sa iba, imposible ng makakita ng mababait na tao ngayon.

At sa ibang nagdidikta sa akin na wag na lang daw ako magsulat, masaya akong nagsusulat eh. Hindi nyo ako mapipigilan. Ang kaya nyo pong kontrolin ay yung sarili nyo po at kung paano po kayo makitungo sa tao, hehe!

Almost 7 am na, maghanda lang ako ng breakfast at maglilinis ng bahay kung di ako antukin. Makipagmeeting sa staff ko mamaya kase magbubukas na kami ng third branch ng Neri’s Bakeshop next month. Yehaaay! Then check ko schedule ko sa mga klase ko sa Heny Sison.

Good morning!

-NM

Comments (10)

  1. Thank you for this wonderful blog, Ms. Neri! Many of strong women will relate your story. 😊❤️

    October 18, 2020 Reply
  2. You inspire me to do better. Thank you!

    November 1, 2020 Reply
  3. Im a fan not because u are an artist but because of ur whole being, u are such a true and kind person, thanks for inspiring others, thanks for sharing ur thoughts it really means a lot and continue to inspire us to become the strong woman that you are❤️❤️❤️

    November 4, 2020 Reply
  4. thank you Ms.Neri .. katulad mo po hindi din po ako mapagtanim ng galit..
    madaling magpatawagmd pero magiging lesson po sakin kung ano po yung nangyari
    sobrang inaadmire po kita…

    November 9, 2020 Reply
    1. Thank you for showing your kindness neri. Dahil sayo naging x100 pa yong mga plano ko sa buhay mas lalo ako naging positive sa mga toxic na tao hehe. Kailangan kumalma lang. At salamat kasi naging part ako ng teamwais. Tapos hindi nag-aagawan sa mga customer kundi nagtutulungan pa. Nakaka-inspired kayo sa lahat.

      December 22, 2020 Reply
  5. Very inspiring.. i’m so proud of you Neri.. you have a good heart ❤️ madami ako natutunan sa mga sinabi mo.😊 tama ka! ✅

    November 11, 2020 Reply
  6. Your very talented woman,momshie,with a good heart,gusto kita maging mentor.i follow you on facebook ang layo na ng narating mo.im very proud of you.napaka didicated mo sa lahat..Keep up the good work kahit anong pagsubok tumatayo at lumalaban kapa din..Godbless you and your family.💕💕

    December 5, 2020 Reply
  7. Super relate ako ms.Neri. bakit nga ba kahit nasaktan ka na or patuloy kang sinasaktan kaya pa ding magpatawad. Yeah its because of love. And also with the guidance of Almighty. Ako mismo is wondering how i survived…. God bless you. Napakaganda ng puso mo.

    December 11, 2020 Reply
  8. Thank you po.. Nakaka inspire💗

    December 13, 2020 Reply
  9. Natuwa ako sa nabasa ko s blog mo , I wish you happiness and more blessings to come.
    Kita mo nman nadapa, nagkamali pero bumangot at umangat pa sa karamihan.
    Kaya kahit na ano pang pangit ng mga nakaraan natin o pag kakamali sa buhay ang pinaka maganda sa lahat is kung pano natin napatawad ang sarili natin a mga naging pagkakamli natin at pagpapatawad s mga taong gumawa ng pagkakamali sa atin. So proud of you. God bless

    May 21, 2021 Reply

Leave a comment