(From my June 13, 2018 Draft Blog at ngayon ko lang nai-post. Yes, marami akong mga naisusulat na di ko pinopost. Marami din na di pa tapos. Basta sulat lang ako ng sulat, hehe! Anyway… )

So 2 am na ngayon. Nagtry akong magpaint pero sablay, haha! Yung mas magaling pa magpaint yung 1 year old mo na anak kesa sayo, haha! Itawa na lang. Pero nakaramdam ako ng frustration nun.

Bakit bigla akong nainsecure sa anak ko? Bakit napaka effortless nung pagpinta niya? Tapos ang ganda ng kinalalabasan? Ako may idea sa mind tapos alam ko na maganda ang kakalabasan pero napaka pangit! Nakakafrustrate. Siguro dahil nag iisip ako ng maigi? Siguro dahil gusto kong galingan kase alam ko mas magaling ako kay Miggy. Pero hindi eh. Mas maganda ang gawa niya sa akin. Kase napaka inosente ng pagkagawa niya, di niya iniisip kung magugustuhan ko ba o kung sino ang makakakita ng paintings niya. Nagpe-paint lang siya. Laro lang sa kanya. Carefree.

Then parang may bumabagabag sa akin. Bigla akong napa isip kung sino na ba yung mga taong kina iinsecuran ko. Meron ba? Nag isip ako. Hanggang sa dumating ako sa buhay high school. Sino sino na nga ba mga “IT Girls” nung high school o yung mga honor students na bakit sila kaya nila? Bakit sila nagagawa nila yun? Bakit sila popular?

Napadaan sa isipan ko rin nung nag aartista ako. Jusko halos karamihan ay najojologan sa akin o napapangitan. Iba ang mundo ng showbiz. Ang mundo na pakiramdam ko ay hindi ako welcome masyado. Buti na lang marami rami din ang mga nakilala kong mababait at naniniwala na may talent ako kahit papaano. Sabi nga nila sa hashtag, #thestruggleisreal. Mahirap talaga. Hirap na hirap ako noon. Hindi nila ako gusto. Hindi ko alam kung saan ako. Lito ako nun. Lost ako.

Buti na lang at natagpuan ko ang sarili ko. Dito pala sa mundo ng business ako matatanggap.

Naalala nyo ba yung movie na Rise of the Guardians? Di ba may sinasabi si Santa kay Jack Frost na hanapin niya yung center niya? Ako nahanap ko na. Nakilala ko na sarili ko.

Actually di ko alam ang gusto kong sabihin, basta kung ano lang pumapasok sa isipan ko ngayon, yun lang tinatype ko. Kinakausap ko lang sarili ko. Wala lang.

Hindi naman mawawala yung pakiramdam ng naiinsecure ka, yung unsure ka, yung mapapatanong ka bakit? Bakit siya ang daming nagagandahan? Bakit siya ang daming natutuwa? Bakit parang nasa kanya na ang lahat? Bakit napaka swerte niya? Bakit siya ganun ganyan? At kung anu ano pa. Tapos titingin ka sa salamin, makikita mo itsura mo at katawan mo. Hay, lalo ka manliliit. Maiinis sa sarili lalo. Mahirap pa kapag samahan ng hormonal imbalance, kapag may monthly period ka pa. Mas lalong di mo ma-control yung emosyon mo. Mas nakakapanghina. Parang gusto mo na lang matulog sa bed ng mga ilang araw or even a week. O di kaya dumikit sa wall ng bahay mo tapos matunaw ka muna dun ng ilang araw para makapag recharge man lang. Kung pwede lang ano?

Alam mo yung ginagawa ko na lang, nagbabasa na lang ako ng mga books na pampataas ng confidence. Uulit ulitin ko yung mga books na gustong gusto ko para maiba yung nararamdaman ko at naiisip ko. O kaya binibilang ko ang mga blessings ko sa buhay. Kinukwento ko sa sarili ko ang mga magagandang nangyayare sa buhay ko hanggang sa gumaan ang pakiramdam ko.

Ano ba kina iinsecuran ko ngayon?

Kanina lang kasama ko yung assistant ko kase marami kaming kailangang ayusin sa bagong business na bubuksan namin. Nagkukwentuhan kami, tuwang tuwa kase siya sa blog ko, sa mga kwento ko lalong lalo na nung high school. So tanung tanong siya. Hanggang napaisip ako kung ano nga ba ang buhay ko nung high school. May mga niregret ba ako nung high school ako? Parang tamang student lang ako nun. Di naman bumabagsak pero di ako umaakyat noon sa entablado para makakuha ng medalya. Nung first year high school ako sa Subic, hakot awards ako pero nung lumipat na sa Baguio, normal at average student lang ako. Marami akong naiisip na sana ginawa ko ‘to, sana pumorma ako ng ganito, sana mas marami pa kaming pictures ng mga friends ko sa school, sana di ako takot nun, sana sana… Pero wala naman ako ni-regret noon kase ok naman ako. Kumbaga more memories lang sana nung high school, mas masaya at mas memorable.

May napanood ako sa Netflix na documentary, Iris Apfel. Nakkatuwa, nakakatawa, at nakakainspire yung docu niya. Ewan ko ba, nahihiligan ko ang docu ngayon, haha! Baka sign of aging! Hehe! Pero may sinabi siya na gustong gusto ko.

“I never felt pretty. I don’t feel pretty now. I am not a pretty person. But I don’t feel bad and I think it worked out well because I found that, for instance, all the girls that I know who were very pretty girls and got by on their looks, as time went on and they faded, they were nothing. And they were very, very disappointed. When you are like myself, in order to get around and be attractive, you have to develop something, you have to learn something, and you have to do something. So you become a bit more interesting. And when you get older, you get by on that. Most of the world is not with me, but I don’t care.”

Masaya ako kung nasaan ako ngayon at kung ano ang meron ako ngayon. May pamilya ako na mahal na mahal ko, simple lang buhay namin pero ok kami. Relax lang pero happy.

Hindi maiaalis ang insecurity paminsan minsan sa buhay pero kapag nahanap mo na ang sarili mo at kilala mo na ang sarili mo, hindi ka na magpapa apekto sa mga sinasabi ng iba.

Paano mo malalaman at makikilala ang sarili mo? Yung alam mo ang gusto mo at yung kung ano ang makakabuti sa buhay mo. Hindi ka basta basta nakikinig sa mga sinasabi ng iba. Alam mo ang totoo sa buhay mo. At syempre dapat maging kind tayo sa mga tao sa paligid natin para maging inspirasyon tayo kahit papaano sa mga tao.

Hindi naman kailangan na ikaw ang pinakamatalino sa mundong ginagalawan mo. Hindi rin naman kailangan na ikaw ang pinakamaganda o pinakasuccessful sa batch nyo. Just be kind, wala namang masamang  maidudulot sa’yo yun. Kung may nakikita kang mas magaling sa’yo, gamitin mo eto bilang inspirasyon kaysa maging source ng insecurities mo.

Meron at merong mas magaling sa’yo, o mas matalino sa’yo, o mas maganda sa’yo, o mas higit pa sa’yo. But that’s ok. Hindi mo naman kailangang makipagcompete sa iba, you should only be concerned with being the best version of yourself.

Good night!

-NM

Comments (4)

  1. “Just be kind, wala namang masamang maidudulot sa’yo yun.”

    -sobrang true… walang mawawala sa’yo for being kind… you’ll gain plus points pa nga for your peace of mind eh… thank you for reminding us to be kind, Ms. Neri ❤️

    October 8, 2020 Reply
  2. hello GOOD MORNING ma’am neri, subrang nkaka inspire po talaga kayo, subrang idol q po kayo ma’am ever since, nung nsa SCQ plang po kayo hangang ngayon isang successful business woman na,, congratz po ma’am neri, kayo po ang insperation q pag dating sa negosyo, sayo po aq kumukuha ng lakas ng luob sa mga times n my nang d’down po saken o samen ng asawa q pag dating sa business, ang dami q pong natututonan at kelangan lage lang positive pag dating sa business,, sana one day maachieve dn namin ung mga goal nmin katulad nyo po, sana po matikman nyo rin po ma’am neri Gourmet product namin,, panu po kaya?😅 pero meron n po akung reseller dyan po sa tagaytay😘😘 thank u po ma’am Neri😘 Godlbless your family🙏

    October 9, 2020 Reply
  3. Hi Neri!
    Sobrang natutuwa ako sa mga sinusulat mo or minsan sa mga vlogs mo. Dami ko napupulot na kwento. Ang favorite ko sa lahat ay yung nagkkwento ka sa love story nyo ng idol kong si Chito at kung paano mo kinaya yung ugali nya dati. Lagi ko inaalala mga advice mo. Tapos eto naman yung sunod, kasi minsan talaga insecure ako sa mga tao sa paligid ko. Lalo na wala akong talent. Feeling ko wala akong pwedeng iambag sa kahit anong aspeto. Pero madami nagsasabi sakin na magaling daw ako magpatawa at yun daw ang pwede kong ishare. Totoo nga, madaming mas magaling pero kung makukuntento sa kung anong kaya mo, mababawasan ang pagkainsecure. Hihi keep safe lagi!

    February 17, 2021 Reply
  4. i am one of a fan of Neri’s not so secret garden..nice place with chill music of Jam and Jeff.. hinahanap ko update ng place until nakita sa fb page yung website mo na veryneri.com..sobrang nainspire ako sa mga sinulat mo sa vlog…naramdaman ko ang napagdaanan mo. kasi nangyari rin saken. Pero ngayon dahil sa vlog mo, i am so inspired! napakabuti ng Puso mo…

    March 12, 2021 Reply

Leave a comment